Ang Tacul noon ay kalakip sa bayan ng Bansalan. Itoy itinatag noong 1943 ng isang korporal ng Phil. Army na si Mr. Jose Sumalnap. Si Jose Sumalnap ay isang Igorot na galling sa Agawa  Bisao Mt. Province. Ang kaunaunahang Bagobo ay si Datu Landawi at ang unang Blaan ay si Datu Banggat. Sa taong 1948 hindi na tacul ang pangalan sa nasabing lugar. Ito ay tinatawag na “PATULANGON”. Ang “Tacul” ay kinuha sa salitang galling sa pangalan ng kahoy nag “TIPOLO”. Sapagkat ang lugar na ito ay maraming kahoy na TIPOLO. Ang kauna-unahang bisayang dumating sa pook na ito ay pamilyang “COSSID” sila ay mga Igorot, kasunod ay ang pamilyang Saraum.

Ang unang tinyente del Baryo sa lugar na ito ay si Mr. Marcelo Callata. Sa ilalim ng R.A 1408 na nilagdaan ng yumaong pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipnas. Ang Tacul ay naging barangay basis a MEMODANDUM 506 na kasunduan ng Pangulong Elpidio Quirino, Si Jose Sumalnap ang tagapayo, Alfonso Cossid ang kalihim, Apolinario Urbañez ang ingat yaman. Sina Carlos Reyes Sr. Apolinario Saraum, at Alfonso Sarno ang kasamang miembro.

Sa taong 1995 unang itinatag ang paaralan na makikita sa Sityo Bugak(Ugsing). Sa 1959 nilipat ang paaralan sa centro o palagitnaan ng tacul. Ang mga hanapbuhay ng mga tao ay  ang pagsasaka. Ang mga naninirahan ay may apat na tribo. Bisaya, Ilocano, Bagobo at Blaan. Ang hanapbuhay ng mga tao ay ang pagsasaka. Ang Barangay Tacul noon ay may kabuuang sukat na (900 hec.) mayroong taniman ng palay, kalabisan sa mais, may roon ding niyogan.

Ang mamayan ng Tacul ay doon sa Bansalan ibininta ang kanilng produkto. Sa taon ding ito ay nagkaroon ng Elementarya ang Tacul,gusaling Marcos type at Army type. Ang punong Guro noon ay si Ginoong  Lemeul Castroses, Mrs. Simeona Rodreguez, kasunod si Miss. Patrocina Y Cole, at sa ngayon naman ay si Doctor James Fernandez.


BARANGAY OFFICIALS


Punong Barangay:
Jorem S. Agmit

Contact Number:
0975 961 9597

Kagawad:

  1. Fulgencio C. Cardaño
  2. Jocelyn C. Ang
  3. Bonifacia Q. Segundo
  4. Robert M. Mejias
  5. Mercide L. Gantuangco
  6. Rovel A. Lazo
  7. (nic) Luzviminda N. Cossid

SK President: Nicodemo T. Saraum Jr.
Secretary: Evelyn P. Nieves
Treasurer: Jimmy E. Ladeza